Manila, Philippines- Cool lang si Bobby Yan sa kanyang reaksyon sa ginagawang pagdumog ng mga fans sa puntod ng kanyang yumaong kapatid na si Rico sa Manila Memorial Park.
Ginawa na nga naman kasing mala-tourist spot ang pinaglibingan ng dating matinee idol.
At ang the height: viral na rin sa TikTok.
Isa nga si Jessy Mendiola-Manzano sa mga umalma sa umano’y kawalan ng respeto ng ilang “social media addicts.”
Hindi na raw kasi iginalang ng nga ito ang namayapang aktor at ang pamilya nito.
Pakiwari ni Jessy, ginagawa ito ng ilang mga netizens para makarami ng likes, views at shares sa pagti-TikTok.
Nasaan na raw aniya ang salitang “decency”?
Obyus na aware ang kuya ni Rico na si Bobby sa mga nangyayari sa naturang libingan ng kapatid.
Pero tiniyak naman daw ng caretaker sa puntod ng aktor na walang dapat ikabahala.
If at all ay gagawa naman daw sila ng kaukulang hakbang to address the problem.
Binanggit kasi ni Bobby na welcome sa kanila ang mga gustong dumalaw sa puntod ng kapatid.
Sa katunayan, may mga bumibisita raw doon kada linggo.
Ang iba nama’y nanggagaling pang abroad.
This has been ongoing daw for the past 22 years since Rico passed away.
Matatandaang pumanaw si Rico noong March 27, 2002 sanhi ng acute hemorrhagic pancreatitis.
Si Claudine Barretto na dating nobya ni Rico ang malimit dumalaw sa puntod. Ronnie Carrasco III