Home NATIONWIDE ‘Purple march’ sa pagdiriwang ng Women’s Month

‘Purple march’ sa pagdiriwang ng Women’s Month

MANILA, Philippines- Sinalubong ng Pilipinas ang women’s month nitong Biyernes ng umaga sa Purple Action Day March “to raise awareness for the need to increase investments in women” at “bolster their economic and political participation at different levels.

Dinaluhan ang aktibidad, na nagsimula sa Philcoa patungong Liwasang Pepe Diokno sa Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City, ng ilang grupo, kabilang ang women’s groups at women’s rights advocates tulad ng SARILAYA, Lunas Collective, at Gabriela.

Base sa SARILAYA, sinisimbolo ng martsa ang pagkakaisa para sa women’s rights at political empowerment kung saan nakasuot ang participants ng kulay purple, ang kulay na iniuugnay sa laban para sa mga karapatan ng kababaihan at gender equality.

Sinundan ito ng Purple Action Program sa CHR para sa panel discussion sa mga istratehiya at aksyon “to effect genuine change in women’s daily lives and political roles with the aim of inspiring and mobilizing the community for women empowerment.”

Sumang-ayon naman si CHR Commissioner at retired Justice Monina Arevalo Zenarosa na ang pag-invest sa women’s rights ay nangangahulugan ng pagtugon sa kahirapan at pagtitiyak ng sapat na resources at gender responsive financing para sa gender equality.

Kabilang din dito ang pagkilala at pagtugon sa “historical and structural impacts of poverty,” karahasan laban sa mga kababaihan, at ang limitadong political participation.

“Lastly, investing in women also means supporting women’s and feminist organizations. It means recognizing your role, all of you here in leading efforts to tackle women’s poverty and inequality,” giit ni Zenarosa.

Sa isang video message, inihayag ni CHR Focal Commissioner for gender Faydah Maniri Dumarpa ang kahalagahan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababaihan hindi lamang tuwing women’s month.

Kabilang dito ang pagkilala sa “unpaid care work”; paglikha ng gender responsive social protection programs; proteksyon laban sa karahasan sa tahanan, paaralan, trabaho, at mga komunidad; pagsusulong ng disente at ligtas na trabaho, at pagtugon sa iba’t ibang krisis na kinahaharap ng mga kababaihan kabilang ang epekto ng climate change, development aggression at armed conflict.

 “Ang pamumuhunan sa kababaihan at batang babae ay pag-unlad ng bayan,” ani Dumarpa. RNT/SA

Previous articleEx-director ng BOC na sangkot sa estafa sibak sa pagka-abogado
Next articleSan Juan Mayor Zamora, hinamon ni JV Ejercito: ‘Tayo na lang mag-away’