ISRAEL – Nag-usap sa telepono sina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Russian President Vladimir Putin nitong Sabado, Nobyembre 15 para pag-usapan ang iba’t ibang isyu sa Middle East kabilang ang ceasefire sa Gaza, nuclear program ng Iran at ang hakbang para i-stabilize ang Syria.
Sa pahayag mula sa Kremlin, ang dalawang lider “exchanged views on the situation in the Middle East, covering the Gaza Strip, the implementation of the ceasefire agreement and prisoner exchanges..”
Pinag-usapan din ng mga ito ang “status of Iran’s nuclear programme, and measures to promote further stabilisation in Syria.”
Ang panawagan ay kasunod ng indirect negotiations sa pagitan ng Israel at Hamas, kung saan nagsilbing acting mediators ang Qatar, Estados Unidos at Turkey.
Noong Oktubre 9, pumirma ng kasunduan ang mga partido para ipatupad ang unang phase ng peace plan na ipinresenta ni US President Donald Trump.
Ipinatupad ang ceasefire sa Gaza pagsapit ng Oktubre 10.
Samantala, pinag-usapan din ang nuclear ambition ng Iran, at ang paggiit ng Russia na anumang resolusyon sa mga gusot ay dapat na maayos nang may diplomasya.
Patuloy namang nakikita ng Israel ang nuclear program ng Iran bilang isang security concern. RNT/JGC