Home NATIONWIDE Epekto ng kilos-protesta sa Maynila, ramdam sa mga kalsada

Epekto ng kilos-protesta sa Maynila, ramdam sa mga kalsada

268
0

MANILA, Philippines – Ramdam na ang bigat ng daloy ng trapiko sa Maynila hindi pa man nagsisimula ang programa peace rally ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand ngayong hapon.

Mula Lawton-P.Burgos Street patungong Lagusnilad ay bumper to bumper na ang mga motorista dahil sa nagamit na ng mga makikiisa sa peace rally ang halos kalahati ng kalsada.

Gabi pa lamang kasi ng Sabado ay may mga tumulak na patungong Quirino Grandstand para makapwesto na ng maaga.

Sa kahabaan ng Kalaw Street, okupado na rin ng mga sasakyan at mga tao ang kalsada na kanya-kanyang latag.

May mga camping tent din na nakalatag para sa mga malalayo ang inuuwian o galing pa ng mga probinsya at walang kakayahang magbayad sa mga hotel.

Kapansin-pansin din ang haba ng pila ng mga hilera ng porlates sa kahabaan ng South Road corner Roxas Boulevard.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga makikiisa sa naturang rally. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here