Home NATIONWIDE P1.7M halaga ng health supplies naihatid na sa Catanduanes na hinagupit ni...

P1.7M halaga ng health supplies naihatid na sa Catanduanes na hinagupit ni Uwan

276
0

MANILA, Philippines — Naipadala na ng Department of Health (DOH) ang P1.7 milyon halaga ng health supplies para sa Catanduanes, isa sa pinakamalubhang tinamaan ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa DOH, ang shipment, na kinabibilangan ng hygiene at breastfeeding kits, water containers, purification tablets at mga gamot ay natanggap ng Catanduanes Provincial Health Office noong Nobyembre 13, kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lalawigan.

Tugon ang mga supply sa mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan na nakita sa assessment ng DOH-Bicol Center for Health Development at Regional Disaster Risk Reduction and Response Cluster.

Bukod dito, puspusan din ang DOH sa pagtatayo ng water, sanitation and hygiene (WASH) facilities, habang naka-deploy na rin ang mga team para palakasin ang mga pampublikong pasilidad pangkalusugan sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.

Patuloy rin ang monitoring para sa posibleng injuries, waterborne diseases, at iba pang insidenteng may kaugnayan sa kalusugan.

Personal na ininspeksyon ng Pangulo ang mga lugar na winasak ng bagyong Uwan, na nag-landfall sa isla noong Nobyembre 9 at nag-iwan ng malaking pinsala.

Inutusan niya ang mga ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang paghahatid ng tulong at suportahan ang mabilis na pagbangon ng mga residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here