MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga special permit para sa mga public utility vehicles (PUVs) bilang paghahanda sa pagdami ng mga commuter sa panahon ng kapaskuhan.
Inihayag ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na magiging valid ang mga special permit mula Disyembre 20 hanggang Enero 4, 2025. Aabot sa 5,000 slots ang magagamit para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).
Hinimok ni Guadiz ang mga commuter na planuhin nang maaga ang kanilang mga biyahe, dahil inaasahang dadami ang mga sasakyan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Pinaalalahanan din niya ang publiko na sundin ang mga safety protocol at iulat ang anumang mga paglabag tulad ng overcharging o overloading sa pamamagitan ng mga opisyal na hotline.
Mahigpit na nakikipagtulungan ang LTFRB sa mga transport operator at traffic enforcer para pamahalaan ang mas mataas na dami ng pasahero sa panahon ng Pasko. Santi Celario