MANILA, Philippines- Inisyuhan ng ticket ng Transportation Department’s Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang public utility vehicles (PUVs) na pumalya sa road-worthiness assessments a ñoz, Quezon City nitong Martes.
Ayon sa ulat, sinuri ng DOTr-SAICT ang city at provincial buses, kabilang ang mga bumibiyahe sa Monumento, Quezon City.
Natiketan ang ilang bus drivers dahil sa luma at gasgas nang mga gulong.
Saklaw ng pag-isyu ng tiket ang “libreng sakay” bus ng Quezon City local government unit, kung saan pinababa ang mga pasahero.
Nahuli rin ng DOTr-SAICT ang ilang PUVs na may sirang signal lights at wipers.
Naobserbahan din ng ahensya na hindi tumatalima ang ilang driver sa mga alituntunin, kung saan ilan ang nagsasakay at nagbababa sa mga pasahero sa mga ipinagbabawal na lugar.
Matatandaang inatasan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang Land Transportation Office (LTO) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsagawa ng road-worthiness assessment sa PUVs dahil sa vehicle accidents kamakailan. RNT/SA