MANILA, Philippines- Bumaba ang crime rate sa Quezon City ng 14.12 porsyento mula October 2024 hanggang Feb 1, 2025 kumpara sa parehong panahon mula 2023 hanggang 2024, ayon kay Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Col. Melecio Buslig, Jr. nitong Martes.
Sinabi ni Buslig na 602 focus crime incidents ang naitala sa period na ito, mas mababa mula sa 701 insidente mula Oct. 1, 2023 hanggang Feb. 1, 2024.
Binanggit pa ni Buslig na nadakip ng QCPD ang 1,309 wanted persons, nasita ang 1,321 illegal gamblers, at nahuli ang 109 suspek sa illegal firearms violations, nagresulta sa pagkakakumpiska sa 113 baril, sa nasabing period.
Nagsagawa rin ang QCPD ng 667 anti-illegal drug operations na nagresulta sa 1,059 drug-related arrests at pagkakasabat sa P50,745,116.80 halaga ng illegal drugs.
Iniugnay naman ni Buslig ang tagumpay na ito sa advanced crime monitoring sa pamamagitan ng Integrated Command, Control, and Communication Center (IC3), na nagbibigay-daan sa real-time surveillance at mabilis na pagresponde sa mga insidente. RNT/SA