Home METRO QC, Makati itinanghal na top NCR revenue earners

QC, Makati itinanghal na top NCR revenue earners

MANILA, Philippines – Nanguna ang Quezon City at Makati City bilang revenue earners sa Metro Manila noong 2023 sa pagkakaroon ng double-digit Annual Revenue Income (ARI) growth.

Sa datos ng Department of Finance Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF), nanguna ang Quezon City mula sa 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa 27.41 billion pesos sa ARI noong 2023, sinundan ng Makati (19.36B), Taguig (13.54B), Pasig (13.13B), at Manila (12.43B).

Nakapagtala rin ng nine-figure revenues ang 11 iba pang lungsod sa Metro Manila.

Nasa ikaanim na pwesto ang Parañaque came sa P7.9 billion, Pasay (7.35B) sa ikapitong pwesto, Mandaluyong (5.76B) sa ikawalo, Muntinlupa sa ika-siyam (4.63B), at Caloocan (4.09B) sa ika-10.

Sa kabilang banda, nasa ika-11 pwesto ang Valenzuela City sa P3.98 bilyong kita, sinundan ng Las Piñas (2.52B), San Juan (2.05B), Marikina (1.58B), Malabon (1.23B), at Navotas (1.0B).

Samantala, ang Pateros na lone municipality ng Metro Manila ay nasa pinakahuling pwesto sa 0.2 bilyong piso na kita noong 2023.

Bagama’t pinakahuli sa total annual revenue sa metro Manila noong 2023, ito naman ang nanguna sa lahat ng NCR LGUs sa year-on-year growth sa 65 percent surge sa revenue growth.

Sinundan ito ng Quezon City (30 percent), Makati (26 percent), Pasay (23 percent), at Mandaluyong (20 percent).

Nakapagtala rin ng double-digit growth sa ARI sa pagitan ng 2022 at 2023 ang Paranaque (17 percent), Las Piñas (16 percent), Pasig (14 percent), Valenzuela (14 percent), Muntinlupa (13 percent), Taguig (11 percent), at Navotas (10 percent).

Ang five slowest performers naman pagdating sa year-on-year growth ay ang Manila (9 percent), SanJuan (9 percent), Malabon (9 percent), at Caloocan (8 percent). Naitala sa Marikina ang pinakamababang growth figures sa 7 percent. RNT/JGC