Home METRO QC nagdeklara ng dengue outbreak

QC nagdeklara ng dengue outbreak

Nagdeklara si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng Dengue outbreak sa lungsod alinsunod sa rekomendasyon ng city health department dahil sa dumaraming kaso at pagkasawi sa mga residente, sa press conference sa city hall nitong Sabado, Pebrero 15, 2025. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nagdeklara ang mga lokal na opisyal nitong Sabado ng dengue outbreak sa Quezon City sa gitna ng pagsirit sa kaso at hindi bababa sa 10 pagkasawi dahil sa virus ngayong taon.

Ayon sa ulat, sinabi ni Dr. Rolando Cruz, chief epidemiologist ng Quezon City, na karamihan sa mga namatay ay mga bata. Naitala ang pagkamatay nila mula January 1 hanggang February 14 ng kasalukuyang taon.

Naitala rin ang average na 35 arawang kaso sa lungsod sa loob ng 14-day period, batay sa ulat.

Samantala, nagpalabas ng abiso ang QC government na hinihikayat ang mga residenteng mag-ingat laban sa dengue. RNT/SA