Home NATIONWIDE Quad Comm: Paglipat kay Cassandra Ong sa koreksyunal, legal 

Quad Comm: Paglipat kay Cassandra Ong sa koreksyunal, legal 

MANILA, Philippines – Legal ang naging desisyon ng House Quad Committee na ilipat si Cassandra Li Ong sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Ace Barbers dumaan sa due process at legal na proseso ang paglipat kay Ong na iniuugnay sa iligal na operasyon ng POGO.

“We want to make it clear: Ms. Ong’s transfer to the Correctional Institute for Women is legal. The QuadCom has followed all necessary protocols, and the decision is rooted in the rule of law,” ano Barbers.

“Her lawyers were the ones who said that Cassy Ong would prefer to be detained in a prison cell rather than in Congress. Cassy should blame her lawyers for putting her in this uncomfortable position,” ani Barbers.

Wala rin umanong basehan ang alegasyon na sapilitan ang naging desisyon na ilipat si Ong.

Hinggil sa alegasyon na ang paglipat ni Ong ay maaaring lumabag sa international human rights conventions, sinabi ni Barbers na kanila.itong pinag aaralan.

“We are carefully looking into all concerns regarding international conventions. We assure the public that we remain committed to respecting the rights of individuals, and ensuring that all actions taken are in compliance with both domestic and international laws.” giit ng komite.

Bago rin umano inilipat si Ong ay tiniyak na nasa maayos itong kalusugan at ligtas sa paglilipatan sa kanya taliwas sa pangamba ng kanyang mga abugado. Gail Mendoza