Pinaigting ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa La Niña phenomenon, na inaasahang magpapatindi sa pagdating ng apat hanggang pitong tropical cyclone sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa huling quarter ng 2024.
Binanggit ang Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), binigyang-diin ng PRC na hindi dapat palampasin ang mahina o borderline La Niña phenomenon mula ngayong buwan hanggang Mayo ng susunod na taon, dahil maaari itong humantong sa pagtindi ng karagdagang apat hanggang pitong bagyo na inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.
“We must emphasize that, historically, based on PAGASA’s data, when there was a weak La Niña, we were hit with more super typhoons in the months of September, October, November, and December,” sabi ni Ana Liza Solis, chief of the climate monitoring and prediction section ng DOST-PAGASA climatology and agrometeorology division.
Binigyan-diin din ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Richard “Dick” Gordon ang kahalagahan ng 4Ps: Predict, Plan, Prepare, and Practice, upang mabisang tumugon sa mga sakuna at emerhensiya.
Bilang bahagi ng maagang paghahanda nito, muling iginiit ni Gordon na ang PRC ay patuloy na sinusubaybayan ang sitwasyon sa lahat ng oras at nakahanda na i-deploy ang dalawang milyong Red Cross 143 volunteers nito sa buong bansa, kasama ang pagpapakilos sa mga de-kalidad na resources nito.
Samantala, iginiit ni PRC Secretary-General Dr. Gwendolyn Pang ang kahalagahan ng self-reliance sa panahon ng kritikal na 72 oras kasunod ng isang sakuna.
“Don’t wait for a disaster to strike; prepare your Go Bag now with essentials to sustain you and your family for three days,” sinabi ni Pang .
Aniya , ang maagap na paghahanda ang susi upang hindi maging hamon ang pagmamadali sa pag-aayos ng dadalhing mahahalagang items.
Payo ng PRC na ang laman ng “Go Bag” na mga esse tial items ay kabilang ang drinking water, non-perishable food, eating utensils, flashlight, portable radio, extra batteries, first-aid kit na may essential medications, personal documents (including IDs and bank records), personal hygiene products ( sabon, toothbrush, at sanitary items), whistle, kandila at pusporo, damit,sapatos, kumot, panapin, at trash bags.
Para sa rescue at ibang emergency inquiries, ang publiko ay maaring tumawag sa hotline ng PRC 24/7. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)