Home METRO Higit 6,000 aftershocks naitala matapos ng M7.8 lindol sa Mindanao

Higit 6,000 aftershocks naitala matapos ng M7.8 lindol sa Mindanao

1
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 6,144 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa PHIVOLCS.

Sa bilang na ito, 78 aftershocks ang naramdaman sa mga apektadong lugar, ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol sa isang briefing kasama ang NDRRMC noong Lunes.

Ang malakas na lindol ay tumama 32 kilometro timog-kanluran ng Maasim, Sarangani dakong 7:37 a.m. ng Hunyo 8, at nagdulot ng sunod-sunod na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS ang sitwasyon habang nagpapatuloy ang mga aftershock sa mga apektadong lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here