MANILA, Philippines – In-update ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa mga first-level government positions, pormal na pinapayagan na ngayon ang mga high school graduates—kabilang ang mga nakatapos ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) sa ilalim ng K to 12 program—na makapasok sa serbisyo publiko.
Ang pagbabagong ito ay opisyal na naisabatas sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, na inilabas noong Marso 6, 2025.
Sa isang kalatas na inilabas noong Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang nasabing resolusyon ay bahagi ng kanilang pagsasaayos ng educational requirements para sa mga entry-level positions upang tumugma sa mga pagbabagong dala ng K to 12 Basic Education Program na ipinatupad simula 2012.
Mga Pangunahing Pagbabago: Dating requirement: “High school graduate”
Ngayon ay kinikilala na ang:
>Mga high school graduates bago ang 2016, o
>Mga Grade 10 (Junior High School) graduates simula 2016.
Para sa mga posisyong nangangailangan ng high school diploma o vocational/trade course:
Katanggap-tanggap na ang:
>High school graduates bago ang 2016
>Grade 10 graduates mula 2016 pataas
>Mga nagtapos ng relevant vocational o trade courses
>Para sa mga posisyong nangangailangan ng 2 taon sa kolehiyo:
Tinatanggap na rin ang:
>Nakapagtapos ng 2 taon sa kolehiyo bago ang 2018
>Grade 12 (Senior High School) graduates simula 2016
Kung ang posisyon ay nangangailangan ng 2 taon sa kolehiyo o vocational course:
Maaaring mag-qualify ang:
>Nakapagtapos ng 2 taon sa kolehiyo bago ang 2018
>High school graduates na may vocational/trade courses bago 2018
>Grade 12 graduates sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track
>Grade 10 graduates simula 2018 na may kaugnay na vocational/trade course
Limitasyon ng Bagong Patakaran:
>Hindi sakop ng mga bagong qualification standards ang mga posisyong nangangailangan ng:
>Tiyak na degree sa kolehiyo
>Lisensiyadong propesyon (regulated by professional boards)
Binigyang-diin din ng CSC na ang mga aplikante ay kailangang tumugon sa iba pang kwalipikasyon tulad ng:
>Training (pagsasanay)
>Experience (karanasan)
>Eligibility (karampatang civil service eligibility)
Sa huli, nakasaad na nasa diskresyon pa rin ng appointing authority ang pagtalaga sa anumang posisyon, batay sa umiiral na civil service law, rules, at regulations. Kris Jose