MANILA, Philippines – Hiniling ni Apollo Quiboloy sa Commission on Elections (Comelec) na ideklara siyang independent candidate sa May 2025 midterm polls.
Nitong Lunes, Oktubre 21 ay nagtungo ang kanyang legal counsel na si Mark Tolentino sa Comelec headquarters sa Palacio del Gobernador sa Maynila para ihain ang petisyon para italaga siyag independent.
Naghain ng certificate of candidacy (COC) para senador ang nakakulong na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa pamamagitan ng isang awtorisadong kinatawan sa ilalim ng Tolentino wing ng Workers Party of the Philippines (WPP).
Kinuwestiyon naman ito ng kabilang paksyon ng WPP sa pangunguna ni Sonny Matula, na naghain din ng kanyang COC para senador, ang aplikasyon ni Quiboloy.
Nauna nang idineklara ng Comelec na may dalawang “faction” ang WPP: Ang isa ay pinamumunuan ni Matula at ang isa ay si Tolentino.
Ngunit sinabi ni Matula na hindi nila alam ang bid ni Quiboloy sa ilalim ng WPP habang sinabi ni Tolentino na inimbitahan nila ang nakakulong na lider ng sekta na maging miyembro nila, na tinanggap niya.
Naghain din si Matula ng petisyon na nagdedeklara Kay Quiboloy bilang nuisance candidate dahil sa material misrepresentation sa nakakulong na KJC founder party designation ngunit ipinagkibit-balikat ito ng kabilang kampo at pagkatapos ay nagsampa ng kontra-petisyon na humihiling ng diskwalipikasyon kay Matula. Jocelyn Tabangcura-Domenden