Home NATIONWIDE Mga pahayag ni VP Sara, nakababahala – DOJ

Mga pahayag ni VP Sara, nakababahala – DOJ

MANILA, Philippines – “Very disturbing”

Ito ang naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na hukayin ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itapon sa West Philippine Sea.

Pinag-aaralan din aniya ng Department of Justice (DOJ) ang legal aspect sa naging pahayag ng bise presidente.

“It desecrates the memory of a person. It desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body.”

Naniniwala ang kalihim na may iba pang moral principles na maaaring nalabag kung kaya sinusuri na ng DOJ ang ligal na aspeto ng mga naging pahayag ni Duterte.

Sinabi rin ni Remulla na ang mga lumabas sa bibig ng bise presidente ay hindi galing sa isang matino at malinaw na nag-iisip na tao.

“Iba na yun. Non-compos mentis (of unsound mind) na yung pinangagalingan,” dagdag ng kalihim. TERESA TAVARES