Home HOME BANNER STORY Quiboloy kinasuhan na ng DOJ

Quiboloy kinasuhan na ng DOJ

MANILA, Philippines – Ipinasasampa na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa korte ang mga kasong kriminal laban kay Pastor Apollo Quiboloy at limang iba pa.

Kabilang sa mga kasong ipinasasampa laban kay Pastor Quiboloy ay child abuse, sexual abuse of a minor at qualified human trafficking alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7610.

Pinaliwanag ng Kalihim na hindi napahalagahan ng Piskalya ng Davao ang mga facts and information na inilahad ng noon ay 17-anyos na complainant.

Aminado si Remulla na napakahirap gawin na idemanda ang isang tao na katulad ni Pastor Quiboloy, na kanya ring malapit na kaibigan ngunit kailangan aniyang umusad na sa hustisya.

Pinaliwanag din ng Kalihim na kailangang matapos na ang mga kaso laban sa grupo ni Pastor Quiboloy bago dumating ang extradition treaty na ikinakasa ng Estados Unidos. Teresa Tavares

Previous articleGroundbreaking ng SHC sa Mountain Province, pinuri ni Bong Go
Next articlePaggalugad ng China sa Philippine Rise, walang permiso – NSC