MANILA — Iniutos ng isang regional court sa Pasig City ang pagbabalik ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail sa Pebrero 12, matapos siyang maospital noong Enero.
Ayon sa abogado ni Quiboloy na si Israelito Torreon, hindi sila masaya sa desisyon ng korte dahil nakatakda silang maghain ng panibagong mosyon na may kaugnayan sa kanyang kalusugan at espesyal na kalagayan.
Noong Enero 18, isinugod si Quiboloy sa isang pampublikong ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Pasig City Jail Male Dormitory. Ayon sa BJMP physician, siya ay may community-acquired pneumonia at inirekomenda ang kanyang paglilipat sa ibang ospital dahil sa kakulangan ng pasilidad.
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga hindi-piyansable na kaso sa Pilipinas, kabilang ang qualified human trafficking at child abuse. Samantala, sa Estados Unidos, siya ay kinasuhan ng sex trafficking by force, fraud, and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling. RNT