Home HOME BANNER STORY Work-from-home palakasin para bawas-trapik kaysa congestion fees sa EDSA

Work-from-home palakasin para bawas-trapik kaysa congestion fees sa EDSA

117
0

MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ng ilang senador ang pamahalaan sa planong magpataw ng congestion fees sa lahat ng sasakyan na dumadaan sa EDSA bilang tugon sa lumalalang daloy ng trapiko.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Joel Villanueva at Grace Poe na mas makabubuting bumuo ng Alternatibong solusyon sa trapiko kaysa singilin ng motorista na dumadaan sa EDSA.

Para kay Villanueva, puwedeng gamitin ng pamahalaan ang implementasyon ng Work-from-Home Law o ang Republic Act No. 11165 na ipatutupad ang telecommuting bilang Alternatibong paghahanapbuhay sa private sector.

Aniya, kapag nabawasan ang dumadaan na pasahero sa EDSA, makatutulong ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko nang hindi nadadagdagan ng gastusin ang Filipino,

“Instead of penalizing motorists with congestion fees, why not maximize the potential of the Work-from-Home Law? It not only reduces traffic but also promotes work-life balance and productivity,” ayon kay Villanueva sa news release.

Sinabi pa ng senador na hindi dapat gamitin ng pamahalaan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko upang gawing pribilehiyo ang pagmamaneho dahil ang tunay na solusyon ay nakasandig sa pagpapaunlad ng public transport system, at bawasan ang hindi kailangan paglalakbay na aniya na tutugunan ng RA 11165.

Iginiit naman ni Poe na dapat unahin ang traffic management reforms bago ipatupad ang road pricing sa EDSA dahil kapag maayuos at maluwag ang public transportation, mahihimok natin ang commuters na iwan ang kanilang sasakyan.

Kailangan din umanong paluwagin ang secondary roads ng mga nakakasagabal upang magsilbing Alternatibong ruta na makakaiwas sa EDSA.

“Public consultation is essential. Without real traffic solutions in place, congestion fees will only worsen the hardships of motorists who are already dealing with traffic, high fuel prices, and inflation,” babala ni Poe.

Tinukoy ng kapwa mambabatas ang kahalagahan ng paggamit ng sustainable, equitable, at people-centered policies na tutugon sa ugat ng pagsisikip ng trapiko sa halip na magpatawa ng karagdagang gastusin sa mamamayan.

Nakatakda sa panukala ng pamahalaan na singilin ang motorista na gumagamit ng EDSA alinsunod sa rekomendasyon ng sa ilalim ng Comprehensive Traffic Management Plan for Metro Manila at karatig bayan upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here