NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Patay ang isang radio announcer matapos pagbabarilin sa La Castellana, Negros Occidental noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Julito “Jaz” Diamante Calo, 49, host ng programang “Waswasanay sa Quinto Distrito” sa 88.3 DNN News FM sa Himamaylan City. Ayon sa station manager, binaril siya sa ulo.
Batay sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang huminto ang isang puting SUV at binaril siya ng isang sakay nito, na agad niyang ikinamatay. Tumakas ang suspek patungo sa bayan ng La Castellana.
Naglagay na ng checkpoints ang pulisya at nagsagawa ng hot pursuit operation para mahuli ang salarin.
Nabatid din na dati umanong nasuntok ang biktima ng isang konsehal. RNT/MND