Home NATIONWIDE ACT tutol sa trimestral school calendar ng DepEd

ACT tutol sa trimestral school calendar ng DepEd

166
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na itigil ang pagpapatupad ng bagong aprubadong three-term o trimestral school calendar, dahil umano sa kakulangan ng konsultasyon.

Ayon kay ACT chairperson Ruby Bernardo, nagiging “pattern” na umano ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga pagbabago nang walang partisipasyon ng mga guro, kahit nangako ang DepEd ng konsultasyon.

Sinabi ni Bernardo na hindi nito masosolusyunan ang mga pangunahing problema sa edukasyon tulad ng kakulangan sa silid-aralan, mababang sahod, sobrang workload, at kakulangan sa learning materials. Dagdag niya, “We already called for consultations but in the end, [the changes in the school calendar] were imposed in a rush.”

Kinuwestyon din niya ang pahayag na mapapabuti nito ang learning outcomes dahil wala umanong sapat na pag-aaral o “transparent evaluation” na sumusuporta rito.

Sa ilalim ng panukala ni Education Secretary Sonny Angara, magsisimula ang klase sa Hunyo at hahatiin sa tatlong termino: Hunyo–Setyembre, Setyembre–Disyembre, at Enero–Marso, na may 54 hanggang 61 araw na instructional period bawat term.

Ayon sa ACT, mas lalo nitong pabibigatin ang mga guro dahil mapipilitan silang paikliin ang mga aralin na dating hinahati sa apat na grading period.

Iginiit ni Bernardo na dapat munang magsagawa ng “genuine consultations” ang DepEd at pakinggan ang mga guro bago ipatupad ang pagbabago. Dagdag niya, “These kinds of rushed policies are just like the K to 12 system, which will soon face its doom while us educators in schools will have to find our own ways just to fill in the gaps caused by these decisions.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here