Home NATIONWIDE Random drug test sa halal na opisyal, pinasasabatas ni Tulfo

Random drug test sa halal na opisyal, pinasasabatas ni Tulfo

261
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ng panukalang batas si Senator Raffy Tulfo para sa random drug testing ng lahat ng kasalukuyang halal at itinalagang opisyal upang palakasin ang pananagutan at integridad sa pamahalaan.

“Dapat panagutin ang mga opisyal sa pinakamataas na pamantayan at palakasin ang tiwala ng publiko,” ani Tulfo. Dagdag pa niya, “Kung walang tinatago, walang dapat ikatakot.”

Hindi sakop ng panukala ang mga kandidato sa halalan bilang pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema noong 2008 na nagbasura sa mandatory drug testing para sa mga kandidato.

Bilang halimbawa, sumailalim sa boluntaryong drug testing si Tulfo at ang lahat ng kanyang Senate staff, at iginiit niyang agad niyang tatanggalin ang sinumang magpositibo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here