Home ENTERTAINMENT Randy, nangungulila pa rin sa anak!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Randy, nangungulila pa rin sa anak!September 4, 2024 13:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nothing can be more painful for any parent than seeing his child pass on ahead.Palibhasa kasi, ayon nga sa mga magulang na nawalan ng anak, that is not the order of things.At ke matagal nang pumanaw ang kanilang anak, the pain won’t just go away.Ito rin ang eksaktong nararamdaman pa rin hanggang ngayon ni Randy Santiago.Taong 2017–as in seven years ago na–when Randy and his wife Malou Coronel lost their second child Ryan.Ryan passed on at the young age of 24.He succumbed to a rare brain disease and multiple sclerosis.In his guesting sa Fast Talk with Boy ABUnda, inalala ni Randy ang masasayang panahong kasama pa nila ni Malou ang kanilang anak.Aniya, iniiyak na lang daw niya ang sobrang pagka-miss sa anak.Lalo raw nararamdaman ng singer ang lungkot sa tuwing tinitingnan niya ang mga larawan ni Ryan.Never has there been a single moment na hindi sumasagi sa kanyang isip ang nasirang anak.Asked what he wants to tell Ryan pag kaharap niya ito, sagot ni Randy: “Sana kasama ka namin.” Ronnie Carrasco III