California, USA – Pagkatapos ng ilang araw kumalat sa social media ang mga post tungkol sa kanyang pagpanaw, mismong ang anak ni Raoul Aragon na ang nagkumpirmang sumakabilang-buhay na nga ang amang aktor.
Raul passed away nito lang. He was 78.
Recently lang lumabas ang kumpirmasyon mula sa pamilya nito.
Pumanaw si Raul sa Downey, California.
Ayon sa nagluluksang pamilya nito: “It is with deep sorrow that we u announce the passing of Raoul Aragon who left us in Downey, California.”
Ang nasirang beteranong aktor ay nagkamit ng Best Actor award para sa pelikulang Ina Ka ng Anak Mo noong 1979.
Mga bida dito sina Lolita Rodriguez at Nora Aunor–na kapwa namayapa na rin.
Si Lino Brocka (RIP) ang direktor nito.
Lumabas din si Raoul sa Pasan Ko ang Daigdig kung saan bida si Sharon Cuneta.
Naulila ng aktor ang kanyang maybahay na si Josie at mga anak na sina Zoilo, Nina, Rica, Jose at Raul at mga asawa ng mga ito.
Limang apo ang naiwan ni Raoul.
Ayon sa paglalarawan sa kanya, he was a loving husband, father and grandfather.
Lagi raw maaalala ang “quiet strength, kindness at unwavering dedication” nito sa kanyang pamilya.
“He lived a full life, guided by love, hard work and deep care for those around him,” dagdag pa.
Nakatakdang ibiyahe ang mga labi ni Raoul sa Pilipinas para sa viewing at memorial service na inihanda ng pamilya’t mga kaibigan “to honor
and celebrate his life.”
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Raoul Aragon. Ronnie Carrasco III