Home NATIONWIDE Rape suspect tiklo sa Las Piñas

Rape suspect tiklo sa Las Piñas

MANILA, Philippines – Dinampot ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Piñas City police ang isa sa most wanted na indibidwal sa lungsod bago mananghali ng Linggo ng Palaspas, Abril 13.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang nadakip na suspect na si alyas Prado, 48, junkshop helper, residente ng Barangay CAA, at Top 4 most wanted person (MWP) na nahaharap sa kasong rape.

Ayon kay Tafalla, naganap ang pag-aresto kay alyas Prado bandang alas 11:15 ng umaga sa kahabaan ng Balikatan Street, Barangay CAA, Las Piñas City.

Ang pag-aresto sa suspect ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng WSS na pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant (PEMS) Milandro Baldesco na inisyu nitong nakaraang Marso 24, 2025 ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Victor Ramirez Aguba ng Branch 197 na walang kaukulang rekomendasyon ng piyansa.

Kaslaukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police ang suspect habang naghihintay ng commitment order ng korte na mag-uutos ng kanyang paglipat ng kulungan sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan