Home METRO Rapper, singer, 17 iba pa tiklo sa voice phishing scam

Rapper, singer, 17 iba pa tiklo sa voice phishing scam

272
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang sikat na rapper at girlfriend nitong singer, kasama ang 17 iba pa dahil sa voice phishing o vishing scam Imus, Cavite.

Sa salaysay ng rapper na si alyas “Boy,” na-recruit sila ng pinakalider ng kanilang grupo na si “Mamita” na 11 taon nang ginagawa ang krimen.

“According sa kanya, hindi naman daw kasi constant ‘yung kita kaya naghanap siya ng other jobs. Nung inofferan siya ng other income, hindi niya alam na scam pala ‘yung pinasok niya,” pahayag ni PLt. Wallen Mae Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, sa panayam ng ABSCBN News.

“P5 million per week po ang kinikita ng mga grupong ito,” dagdag niya.

Sa bisa ng search warrant ay hinalughog ng PNP ang paupahang bahay na nagsisilbing scam hub.

“Ito ‘yung may tumatawag sa ‘tin na nagpapanggap na mga bank representative na kailangan daw natin mag-update ng cards natin,” pagpapatuloy ni Arancillo.

“Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay kinukuha na pala ‘yung laman mismo ng card nila,” dagdag nito.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang SIM card, mobile devices, laptop, mga dokumento sa banko, ledger, at mga script para makapambiktima.

“Ang mga nakuha natin dun na items is mismo ‘yung application form ng credit card. Most likely, nakukuha ito sa mga malls outside bank,” ayon pa kay Arancillo.

Sasampahan ang mga naaresto ng kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na kamakailan lang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Magsasampa rin ng hiwalay na kaso laban sa mga suspek sa paglabag sa Access Devices Regulation Act, Data Privacy at Cybercrime Prevention Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here