LOS ANGELES — Naitala ni LeBron James ang kanyang ikalawang sunod na triple-double, at umiskor si Anthony Davis ng 22 puntos bago umalis na may injury sa mata sa ikatlong quarter ng 123-103 tagumpay ng Los Angeles Lakers laban sa Toronto Raptors kahapon.
Tinamaan si Davis sa mukha ng off hand ni Jakob Poeltl nang butatain niya ang dunk attempt ng Toronto center may 5:16 na natitira sa third quarter.
Hindi na pinalabas ng locker room ang siyam na beses na All-Star dahil sa natamong injury.
Si James ay may 19 puntos, isang season-high na 16 assists at 10 rebounds sa kanyang ikatlong triple-double na ngayong season at ang ika-115 sa kanyang walang kapantay na 22-taong karera.
Umiskor si Austin Reaves ng 27 puntos para sa Lakers, na umunlad sa 5-0 sa bahay. Tinalo din ng Los Angeles ang Toronto sa ikalawang pagkakataon sa loob ng siyam na araw.
Umiskor sina Chris Boucher at RJ Barrett ng tig-18 puntos para sa Raptors, na natalo ng apat na sunod at walo sa siyam.
Pinaglaro naman si Bronny James sa huling 1:40.
Si Immanuel Quickley ay umiskor ng 12 puntos at naglaro ng back-to-back na laro sa LA matapos na makawala ng walong sunod dahil sa pelvic bruise. Si Poeltl ay may 14 puntos at 10 rebounds habang mahusay na naglaro laban kay Davis sa magkabilang dulo.
Sa kartadang 6-4, mayroon silang winning record sa pamamagitan ng 10 laro sa unang pagkakataon sa apat na season, ngunit ang pinakabagong pinsala ni Davis ay naglalagay sa panganib sa lahat.
Matapos mahabol ng double digits nang maaga, tinapos ng Lakers ang ikatlong quarter sa 16-5 run pagkatapos ng injury ni Davis bago tuluyang lumayo. Lumamang ang LA sa 3-pointer ni rookie Dalton Knecht.
Si James ay may 13 triple-doubles mula ng siya ay naging 37 noong Disyembre 2021.
Anim na iba pang manlalaro sa kasaysayan ng NBA ang nakamit ang tagumpay pagkatapos ng kanilang ika-37 kaarawan, na ginawa ito ng pinagsamang walong beses.
Ang Lakers ay host ng Memphis sa Miyerkules. Tinapos ng Raptors ang kanilang five-game trip sa Milwaukee sa Miyerkules (PH time).