Manila, Philippines- Inilabas na ng Nielsen Philippines Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) ang overnight data ng tatlong noontime programs na nagbanggaan nitong July 1, Sabado.
Ito’y ang inaugural episodes ng E.A.T. sa TV5 at It’s Showtime sa GTV at ang first monthsary episode ng Eat Bulaga sa GMA.
Of course, ang bumubuo ng E.A.T. ay ang comic trio na TVJ nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon.
Kabilang din ang iba pang Dabarkads, all of whom had disengaged themselves from Tape, Inc. na producer ng Eat Bulaga.
Ang Eat Bulaga that we now know is the revamped show which ushered in new hosts like Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Legaspi twins Cassy and Mavy and Isko Moreno.
Pinangungunahan pa rin ni Vice Ganda ang mga hosts ng It’s Showtime whose contract with TV5 expired.
Mainit naman silang tinanggap ng GTV, GMA’s sister station, na tahanan na nila ngayon.
Ayon sa figures, nagtala ng 8.4% ang E.A.T.
Ang Showtime naman registered 4% in combined ratings sa GTV, Kapamilya Channel, A2Z at Jeepney TV.
Ang Eat Bulaga sa GMA naman ay nakakuha ng 2.6%.
Mapapansin ang laki ng agwat–times 4 in fact–ng nakuhang ratings ng E.A.T. at Eat Bulaga.
Hindi kasama sa mga naturang figures ang online views na ‘di hamak na mas marami.
Not included were the views on the respective programs’ Facebook accounts and YouTube channels, kabilang ang mga tumutok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
But nevertheless, these figures prove one thing: sina Tito, Vic at Joey pa rin ang walang kaduda-dudang naghahari pagdating sa noontime entertainment on TV! Ronnie Carrasco III