Home ENTERTAINMENT Ratings ng EB at Showtime, inaabangan!

Ratings ng EB at Showtime, inaabangan!

Manila, Philippines – Waiting with bated breath ang buong sambayanang Pilipino sa close fight sa pagitan ng Eat Bulaga at It’s Showtime ngayong araw ng Sabado.

Ngayong araw kasi magsisimula nang mapanood ang Showtime sa GMA mula sa pinanggalingan nitong GTV.

Ang transfer ng noontime show ng ABS-CBN ay bunga ng pagkakansela ng Tahanang

Pinakamasaya nitong Pebrero.

Napapaloob sa problema ng pananalapi ang Tape, Inc.-produced show na pag-aari ng mga Jalosjos.

Nasa proseso ito ng pagsasaayos nito ng kanilang unpaid airtime fees sa GMA na daang milyon umano ang halaga.

Sa paglipat ng Showtime sa GMA, inaasahang magkakaroon ng bagong viewing habits ang publiko.

Bentaheng matatawag ng Showtime ang pinagsanib na followers ng GMA at ABS-CBN.

Joint forces na sila versus mga tagatangkilik ng TV5 kung saan umeere ang Eat Bulaga.

Hati naman ang opinyon ng mga manonood sa kung aling pananghaliang programa ang mas papalo sa ratings.

llampaso kaya ng Eat Bulaga ang kanilang katapat knowing its supremacy over its rival show?

O makapuntos kaya ang Showtime sa pagkakataong ito?

Anu-ano ang mga inihandang pasabog ng dalawang show to ensure na sila ang mas panonoorin ng viewers?

Ang tiyak: sa Showtime magaganap ang post-birthday celebration ng main host nitong si Vice Ganda.

May pantapat kaya ang EB dito?

Balitang may show of force sa Showtime with the support of both Kapuso and Kapamilya stars in attendance, gaano naman kaya kalakas ang puwersang itatapat ng Dabarkads?

Exciting abangan which of the two noontime shows will register higher ratings.

Kayo, sino sa tingin n’yo ang mas marami: Dabarkads o madlang pipol? Ronnie Carrasco III