Home ENTERTAINMENT Raymart, magbabalik-TV!

Raymart, magbabalik-TV!

285
0

Manila, Philippines – Akma sa kanyang life struggles ang pamagat ng TV comeback ni Raymart Santiago sa GMA ngayong 2026.

Ito ang Never Say Die, na obvious na hitik sa action-drama.

Bale, ito ang magsisilbing comeback vehicle ni Raymart, na huling nakita sa isang serye sa ABS-CBN.

Ang huling kinasangkutang intriga ng aktor ay ang pagbubunyag ng ilang nakaka-shock na lihim ni Mrs. Inday Barretto laban sa kanya—during his “happier” times with Claudine Barretto.

Mukhang kapag nagpatawag ng mediacon, masasapawan ni Raymart ang mga bida sa Never Say Die na sina Jillian Ward at David Licauco.

Jillian at David bilang headliners—ano na kaya ang plano ng GMA para kina David at Barbie Forteza?

Eventually, baka ipasok sa cast si Eman Bacosa Pacquiao, since sa totoong buhay bilang boxer ay angkop din sa kanya ang pamagat.

One thing’s for sure: pang-primetime ito—ano naman kaya ang mabigat na makakatapat nito sa kabila?

’Yan ang dapat abangan!

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here