Home OPINION RD NAKABILI NG SARILING PWESTO?

RD NAKABILI NG SARILING PWESTO?

141
0

HINDI kaya nahihiya itong isang regional director ng Philippine National Police na dapat sana ay nasibak na sa pwesto dahil sa wala namang nagagawang accomplishment sa kanyang kinalalagyan subalit laging ang takbo kapag pinalalayas na sa pwesto ay sa Malacañang?

Sabagay sobrang kapal na rin ng mukha ng RD na ito sapagkat noon pa lang ay ayaw na sa kanya ng mga nakapwesto sa Camp Crame subalit walang magawa dahil kapag sisibakin na ito sa pwesto ay kaagad na tumatawag sa kontak niya sa Palasyo upang hilingin na huwag siyang masibak sa pwesto. Pero siyempre ang usapan ay may kalakip na tamang presyo.

Ayaw bitiwan ng opisyal na ito ang kanyang pwesto sapagkat malaki ang kanyang kinikita sa iligal sa kanyang nasasakupan. Ang lahat ng parating ay talaga namang dumidiretso sa kanyang bulsa at maging sa mga MOE (monthly operational expenses) ay malaki rin ang kanyang “cut” kaya naman bansang sa kanya ng kanyang mga tao ay “Hari ng Cut-kong”.

Sinasabing ang laki ng MOE nitong si RD pero wala namang makikitang pagbabago sa kampo na kanyang pinaghaharian. Kapag tiningnang mabuti ang kanyang kaharian, makikitang “dugyot” na ito ngayon at wala man lang siyang ginawang project na masasabing kanyang ‘legacy’.

Kasi nga, ayaw niyang maglabas ng pera. Ang gusto, puro sa kanya lang bulsa papasok at hindi pwedeng ilabas para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan. Sabi nga mga tauhan nito, maging sa pagkain daw ay napakadamot nitong si RD. Lagi na lang silang tinitipid.

Bukod pa sa madalas ay hindi ito matagpuan sa kanyang opisina, lagi itong “nowhere to be found” sa kanyang kaharian. May isang opisyal na bumulong sa inyong Juan de Sabog na itong kanyang “boss” umano ay may mga pakalat na tauhang pulis na kanyang ipinakakalat sa iba’t ibang lugar at ang mga ito raw ang “tirador” sa mga lugar kaya nagkakaroon ng malakihang nakawan.

Nitong huling dapat sana ay papalitan siya ng isang mahusay ng opisyal, nagmamadali siyang tumawag sa kanyang kontak sa Malacañang at muling makipagbargain na magpapadala siya ng “pampabuenas” basta huwag lang siyang mapalitan sa pwesto. M daw ang ipinadala. Hindi maleta Kundi milyon para lang manatili sa pwesto.

Hindi ba nakabili na siya ng pwesto? Pero bakit naman kailangan niyang bumayad pa, eh ipinagyayabang nga niya na malakas siya kay Pangulong BBM.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here