MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na personal ang dahilan ng pagtanggi ni Solicitor General Menardo Guevarra na katawanin ang gobyerno kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“His refusal was not a clearance. He does not cleared things with me but of course, I consider it a personal reason,” ito ang pahayag ni Remulla sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules.
Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na bilang attached agency ng Supreme Court, ang Deparment of Justice ay sapat na para depensahan ang posisyon ng republika.
“I think it’s a time to assert our integrity as the lawyer of the people in this case,” dagdag pa ng kalihim.
Ito’y ukol sa inihain na petisyon ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte ng arestuhin at dalhin siya sa The Hague, Netherlands matapos ang kinakaharap na kaso sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ng justice secretary na handa silang ipagtanggol ang naging hakbang gobyerno hinggil sa kaso ng dating pangulong Duterte.
Kaugnay nito, hinamon naman ni Remulla si Atty. Harry Roque na bumalik sa bansa at harapin ang mga reklamo laban sa kaniya sa halip na humingi ng asylum sa Netherlands. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)