Home NATIONWIDE Pondo sa dagdag-allowance ng kasundaluhan inilabas na ng DBM

Pondo sa dagdag-allowance ng kasundaluhan inilabas na ng DBM

Inaprubahan na ng DBM ang paglalabas ng P16.89 bilyon upang itaas ang subsistence allowance ng mga sundalo ng AFP mula P150 patungong P350 kada araw, epektibo mula Enero 1, 2025.

Sakop nito ang mga opisyal, enlisted personnel, trainees, reservists, at cadets.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ito ang unang pagtaas ng allowance sa loob ng isang dekada, na naglalayong suportahan ang kapakanan ng mga sundalo at kilalanin ang kanilang sakripisyo.

Ang pondo ay magmumula sa 2025 budget ng AFP at iba pang posibleng mapagkukunan. RNT