MANILA, Philippines- Iimbestigahan ng Commission on Elections ang mga napaulat na red-tagging, paggamit ng deepfake at illegal campaigning.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, susuriin ng komisyon ang report ng Kontra Daya at Vote Report Philippines at ikukumpara ang naturang ulat sa record ng Comelec.
Tiniyak ni Garcia na mananagot ang lahat ng lumabag sa panuntunan o campaign rules.
Kaisa rin aniya ang Comelec ang mga advocacy group sa paglaban sa lahat ng discriminatory acts and utterances sa panahon ng election.
Sa report ng Vote Report Philippines, nakakalap ng red-tagging at illegal campaigning gamit ang deepfakes sa pagpapakalat ng maling impormasyon, tinukoy ang mga biktima ng red-tagging ay mga progressive senatorial at partylist candidates.
Samantala ngayong araw, ang Comelec sa pangunguna ni Chairman Garcia kasama ang mga commissioner, at si Chief PNP General Rommel Francisco Marbil ay magsasagawa ng candidates’ forum at signing ng peace covenant sa 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army, sa Camp BGEN Gonzalo H Siongco, Awang Datu Odin Sinuat, Maguindanao del Norte.
Sasaksihan ang aktibidad ng mga election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV),
National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE). Jocelyn Tabangcura-Domenden