Home METRO 3 HVI timbog sa MPD

3 HVI timbog sa MPD

MANILA, Philippines- Tatlong indibidwal na nasa ilalim ng listahan ng High-Value Individuals (HVI) ng Manila Police District (MPD) ang inaresto sa buy-bust operation sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay kilalang drug pushers at HVIs.

Nakuha sa kanila ang ang nasa 500 gramo ng shabu na aabot sa P3.4 milyon.

Isinagawa ang operasyon ng MPD Sampaloc Police (PS 4) Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Kinumpiska rin ng mga operatiba ang Honda PCX motorcycle na ginagamit ng mga suspek sa kanilang drug transaction. Jocelyn Tabangcura- Domenden