Manila, Philippines – There’s no more turning back: tuloy na tuloy na ang last major concert ni Regine Velasquez this October.
Mismong ang Asia’s Songbird na ang nagbalita nito sa kanyang Instagram account.
Ang concert title—Finale: The Final Major Solo Concert.
At may petsa na, ha?
Slated on October 17 and 18 sa SM Mall of Asia Arena.
Pero may pahabol na: “Stay tuned for more details.”
For sure, ‘yung “more details” sa post na ‘yon ay kasama ang lineup ng guests ni Regine at kung sino ang musical director nito.
Base sa comments ng mga kaibigan ni Regine, obvious na nakakaramdam sila ng kalungkutan.
Isa nga sa mga naunang nag-react ay si Gary Valenciano.
Post ni Mr. Pure Energy: “Sorry but I’m already starting my standing ovation for this queen. Wow! This hit me deeply. We love you @reginevelasquez.”
Ipinaabot din nina Julie Anne San Jose, Rhap Salazar, at Iza Calzado ang kanilang pagmamahal para kay Regine, habang ang iba pang kaibigan ay nag-post ng heart emojis.
Pero para sa fans ni Regine, hindi pa nila tanggap ang malungkot na balita, sinasabing hindi pa sila handa para sa “exit” ng kanilang idolo.
Bukod sa umiiyak ang mga ito, umaasa pa rin sila na magkakaroon ng pagbabago ng isip ang Asia’s Songbird.
Pero kung hindi na magbabago ang isip nito, may hiling silang gawin ang Finale sa Philippine Arena.
Total goodbye na nga ba ‘yon?
Hindi ba’t malinaw naman ang sabi ni Regine na titigil lang siyang mag-perform sa malalaking venues? Ronnie Carrasco III