Manila, Philippines – Damon and Pythias friendship.
Ganito maihahalintulad ang kalidad at lalim ng namuong pagkakaibigan sa pagitan nina Regine Velasquez at Jaya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-open up ang Asia’s Songbird kung gaano siya nasaktan nang umalis ng bansa ang Soul Diva several years ago.
Jaya chose her family over her flourishing singing career in the country.
Pinag-react ng Magandang Buhay co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros si Regine nang i-flash sa screen ang litrato ni Jaya.
At doon na nga ni-reveal ni Mrs. Alcasid na nasaktan siya when Jaya left for the US.
Ani Regine: “Hindi ko talaga siya kinausap!”
This was shortly after Jaya jetted off.
Patuloy ni Regine: “Maybe she had her reason for leaving. Pero for me, bakit mo ako iiwan…’di ba, magkaibigan tayo?”
Pero kambyo niya: “Naiintindihan ko naman si Jaya kung bakit she had to leave…ayoko lang intindihin!”
Sobra nga raw ang lalim ng kanilang pinagsamahan.
“We stuck together during ups and downs… naging saksi rin si Jaya sa mga kaganapan ko nang mag-asawa na ako,” kumpisal pa ni Regine.
What made them stick like glue ay dahil pareho rin daw sila ni Jaya who made God the center of their married lives.
“Pero ngayon, nag-uusap na kami. Hindi tulad noon na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming maghiwalay dahil magkaibigan kami.”
Hirit naman ni Melai habang in tears si Regine: “For sure, kung nanonood ngayon si Jaya, umilyak din siya dahil nami-miss din niya si Ate Redg.” Ronnie Carrasco III