Manila, Philippines- Artista na rin pala ang tinaguriang Pambansang Sawsawero na si Christian Albert “Xian” Gaza.
Si Xian kasi ang bida sa pelikulang Loverboi at kapartner niya rito si Joni McNab.
Hindi ito ang kuwento na magpapaka-prim at proper.
Nagsimula ang kwento sa harutan, pero sa huli, wala nang preno – diretso sa init na walang katapusan.
Hindi lang katawan ang ipapakita ni Xian — makikita mo ang bawat motibo, intensiyon, at tukso na hindi kayang pigilan.
Walang filter, walang preno, walang arte.
Si loverboi Xian lang ang makakapagpatunay kung gaano kawalang hanggan ang ligaya sa bawat eksena.
Ang Loverboi ay mapapanood sa pinakabagong entertainment app na CinePOP.
Hala, may kalaban na ba ang Vivamax o VMX sa online streaming ng mga sexy movies?
Sinasabi kasi na sa CinePOP, walang preno, walang paligoy-ligoy.
Diretsahan, matapang, at hindi nahihiya sa totoong kaelyahan, totoong tukso, at totoong relasyon. Walang hiya-hiya, walang bawas-bawas.
At higit sa lahat, walang kaartehan.
Obig sabihin ba ay hubad kung hubad sa CinePOP?
Ang sabi pa, hindi mo na raw kailangang maghintay ng mahahabang pelikula na puro build-up pero wala namang hatid.
Dito, isang swipe lang sa phone, andiyan na. Vertical-first ang CinePOP kaya parang may sarili kang sinehan sa kamay mo — walang abala, walang istorbo.
Ang mga palabas sa CinePOP ay likha ng mga dalubhasa at batikang filmmakers, mga tunay na direktor na may mata sa detalye at puso sa kuwento. Gamit ang high-end gear, cinematic ang kalidad, at walang tinipid sa production. Kaya bawat eksena, ramdam mong premium.
Ang sabi pa, sa CinePOP ay pang-isang upuan lang ang mga kuwento, pero matindi ang tama, sapul sa puso, at tagos sa laman.
May lalim ang bawat linya, may init ang bawat tingin.
Kahit saglit lang ang bawat episode, ramdam na totoo.
FYI, nai-launch na ang CinePOP officially last April 23, 2025. Kaya pwede na ito i-download para makapanood ng bagong content araw-araw! JP Ignacio