WASHINGTON (AP)- Lilikha ang Trump administration ng talaan para sa lahat ng indibidwal na ilegal na nananatili sa United States, at ang mga hindi mag-uulat ng sarili ay maaaring pagmultahin o makulong, base sa immigration officials nitong Martes.
Ang lahat ng ilegal na nasa U.S. ay dapat magparehisto, magbigay ng fingerprints at address, ayon sa Department of Homeland Security. Binanggit nito ang bahagi ng Immigration and Nationality Act — isang complex immigration law — bilang batayan para sa registration process, na paiiralin para sa mga edad 14 pataas.
Matatandaang kasama sa campaign promises ng administrasyon ang pagsasagawa ng mass deportations ng mga indibidwal na ilegal na nasa bansa at selyuhan ang border para sa asylum-seekers sa hinaharap.
“An alien’s failure to register is a crime that could result in a fine, imprisonment, or both,” pahayag nito. “For decades, this law has been ignored — not anymore.”
Sa website, sinabi ng U.S. Citizenship and Immigration Service na lilikha ito ng form at mga proseso para sa rehistrasyon. RNT/SA