Home NATIONWIDE Regular na kawani ng Manila LGU makatatanggap na ng bonus

Regular na kawani ng Manila LGU makatatanggap na ng bonus

280
0

MANILA, Philippines – MAGANDANG balita ang hatid ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga regular na kawani ng Manila City Hall dahil sinimulan na ang pamamahagi ng kanilang year-end bonus at cash gift.

Ang naturang magandang balita ay sinabi ni Domagoso matapos ang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga kung saan inatasan nito si Atty. Paul Vega, OIC City Treasurer, ang paglalabas ng higit P317 milyon bonus para sa mga empleyado.

Nabatid na tatanggap ng bonus na katumbas ng isang buwang sahod ang mga kawani at may karagdagan pang P5,000 bilang cash gift sa lahat ng kuwalipikado, kabilang ang mga nakatalaga sa Sangguniang Panlungsod.

Ayon kay Yorme, nagpatupad ng mahigpit na disiplina sa paggastos ang mga department heads na naging dahilan upang makamit ng lokal na pamahalaan ang obligasyon sa tamang oras para sa mga kawani.

“Isang linggo na akong sinisilihan. ‘Paano ko kaya bibigyan ng bonus ‘yung mga empleyado ko?’ dahil walang-wala talaga,” ayon kay Domagoso.

Kasabay nito, nanawagan naman si Yorme sa mga empleyado na maging matiyaga at magalang sa pagkakaloob ng serbisyo sa mga mamamayang nagtutungo sa city hall.

“Please, please, exercise great patience,” pakiusap ni Yorme. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here