Home NATIONWIDE DPWH project sa NegOr bumigay sa storm surge

DPWH project sa NegOr bumigay sa storm surge

265
0

MANILA, Philippines – Nawasak ang concrete road at seawall project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Santa Catalina, Negros Oriental kasunod ng storm surge na dala ng Bagyong Uwan.

Kasabay ng pagkasira ng ilang tirahan, nagkaroon din ng malaking butas sa bahagi ng national highway sa Sitio Nagbagang, Barangay Poblacion.

Gumuho ang lupa dahilan para mag-collapse ang bahagi ng national highway.

Hindi ito pinapadaanan sa mga malalaking sasakyan.

Ang kalsada ay sumailalim sa repairworks noong 2024 dahil din sa nagdaang bagyo.

Sa kabila ng pagiging makapal ng kalsada, iniulat na walang steel bar ang naturang proyekto.

Kakaunti lamang din ang steel bar sa riprap ng seawall.

Dahil dito ay naniniwala ang mga residente na substandard ang proyekto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here