MANILA, Philippines- Pinagulong ng Department of Transportation (DOTr) ang rehabilitation at modernization projects sa key airports sa buong bansa sa layuning paghusayin ang air connectivity at mobility sa gitna ng agresibong kampanya para sa turismo at investments.
Ani DOTr Secretary Jaime J. Bautista, kabilang sa rehabilitation at modernization efforts ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CRK), at ang land development para sa pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan.
“The vision is to make the Philippine archipelago more connected and world-class than ever with improved air connectivity and mobility. This is the reason why we are relentless and fully committed to building new gateways and modernizing the existing ones,” wika ni Bautista.
Sa Northern Mindanao, pinangunahan ni Bautista ang groundbreaking ceremony para sa pagpapalawig ng Passenger Terminal Building ng Laguindingan Airport sa Misamis Oriental.
Aniya, inaasahang magdudulot ang socio-economic benefits sa lalawigan at iba pang karatig-lugar sa Northern Mindanao ang proyekto: “The upcoming expansion project will not only provide better passenger experience but will also push further our goals towards sustainability.”
Ayon pa kay Bautista, magsasagawa rin ng improvement projects sa Bohol-Panglao, Zamboanga, General Santos, Virac, Puerto Princesa, Ormoc, Calbayog, Dumaguete, Catarman, Butuan at Camiguin. RNT/SA