Home NATIONWIDE Rehistrasyon ng product licenses pinadali ng FDA; validity pinatagal

Rehistrasyon ng product licenses pinadali ng FDA; validity pinatagal

MANILA, Philippines- May malaking pagbabago na isinasagawa ang Food and Drug Adminsitration (FDA) sa mga panuntunan na idinisenyo upang i-streamline ang proseso ng registration at palawigin ang bisa ng mga health product licenses.

Ang hakbang ay bahagi ng mas malawak na pagsusulong ng pagpapahusay ng kaligtasan sa kalusugan ng publiko at alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-streamline ang mga proseso ng gobyerno.

Sa isang matapang na hakbang, inilunsad ng FDA ang Administrative Orders (AO) 2024-0015 at AO 2024-0016, na naglalayong baguhin ang regulatory landscape nito.

Hindi lamang nagpapasimple sa proseso ng pagkuha ng License-to-Operate (LTO) ang mga bagong alituntunin para sa kalusugan kundi pati na rin ang pagpapahaba ng buhay ng mga lisensyang ito.

Gayundin, ang health product licenses ay tatagal na hanggang 12 taon kumpara sa dating tatlo hanggang limang taong validity.

Sa ganitong pagbabago, sinabi ng FDA na ang pre-licensing inspections ay magpapatuloy at mananatiling mahigpit upang matiyak na ang health establishments ay nakatutugon sa pinakamataas na benchmark sa kaligtasan at kalidad bago matanggap ang kanilang lisensya.

Bukod pa rito, ipinakilala rin ng DFA ang bagong iskedyul ng bayarin na sumasalamin sa pinalawig na license periods at nag-aalok ng mas maalinaw na alituntunin para sa lahat ng stakeholders.

Ang isang mahalagang bahagi ng pag-update ay ang paglipat sa online processing, na mas mabilis, mas mahusay na mga aplikasyon sa pamamagitan ng isang bagong digital system.

Sinabi ng FDA na ang pagbabagong ito ay bahagi ng mas malawak nitong layunin na ihanay ang mga lokal na regulasyon sa mga internasyonal na pamantayan.

Nag-aalok din ito ng mas malaking pagkakataon para sa mga SME na umunlad sa mabilis na umuusbong na merkado ng kalusugan at kagalingan. Jocelyn Tabangcura-Domenden