MANILA, Philippines – Simula ngayon ay fully digitalized na ang carpeta ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ang carpeta ay koleksyon ng lahat ng rekord ng PDL.
Pinasalamatan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang European Union (EU) Information and Communications Technologies (ICT) program at si Massimo Santoro, the EU Ambassador to the Philippines dahil sa ipinagkaloob na suporta sa pamamagitan ng ibinigay na pitong scanners at pitong laptops na nagkakahalaga ng P12 million.
Sinabi ni Catapang na malaking tulong ang ibinigay ng EU kaya naging matagumpay ang digitization ng PDL records.
Malaking tulong ang pag-digitalized ng carpeta dahil mapapadali ang monitoring sa estado ng PDLs upang matukoy ang kanilang eligibility para sa maagang pagpapalaya, pagkukuwenta at pagrepaso ng credits for preventive imprisonment (CP) at time allowances ng PDLs.
Madali na rin mababantayan ang kalusugan ng PDLs na mahalaga sa emergencies at paggamit ng biometric data at iba pang personal identifiers para sa PDL identification.
Ang ICT equipment ay gagamitin sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Iwahig Prison at Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan, Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, at Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.
Ipinakita rin ng BuCor ang Inmate Management Information System ng OneBuCor Portal na layon maging masinsin at maayos ang pangangasiwa sa mga operasyon ng BuCor. TERESA TAVARES