Manila, Philippines – Bilang pagtugon sa agarang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay namahagi na ang Malaking Kapulungan ng Kongreso ng hindi bababa sa P390 milyong halaga ng calamity aid sa mga pamilyang naaprktuhan ng bagyong Enteng.
Ang pamimigay-ayuda gaya ng food packs at financial assistance ay isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at CALABARZON.
Unang isinagawa ngayong Miyerkoles, Setyembre 4, ang relief operations sa Barangay San Isidro sa Antipolo sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Partylist sa pakikiopagtulungan na rin ng tanggapan ni Antipolo Rep. at Deputy Speaker Robbie Puno.
Ang bawat food packs ay naglalaman ng bigas, de-lata, kape at iba pang hot meals sa relief operations naman sa Malanday, San Mateo, Rizal kung saan nasa 500 pamilya ang natulungan.
Sa ngayon ay patuloy na nagre-repak ng food packs sa Kamara sa tulong ng mga volunteers upang maayudahan pa ang mga ibang lugar na naapektuhan din ng Enteng. (Meliza Maluntag)