Home NATIONWIDE Remulla sa ikatlong school shooting incident: Depression is real

Remulla sa ikatlong school shooting incident: Depression is real

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga magulang na tingnan ang mga senyales ng depresyon sa kanilang mga anak at humingi ng nararapat na mental health care.

Ito ay kasunod ng madugong pamamaril sa paaralan sa South Cotabato sangkot ang estudyanteng 14-anyos.

“Depression is real. Depression among kids is real. And we must give the warning signs and we must give access to proper psychiatric health care,” ani Remulla .

Hinimok niya rin ang mga magulang na imonitor ang cellphone, social media, at paggamit ng internet ng kanilang mga anak kasabay ng pag-imbestiga naman ng mga awtoridad sa online activities at personal notes ng shooter.

“Tignan niyo po ang sine-search nila,” sinabi pa ni Remulla.

“Tignan niyo po. It is not a privacy issue. Anak niyo ‘yan.”

Ani Remulla, ang binata ay nag-iwan ng notes bago ang pamamaril.

Nakita rin ng mga imbestigador ang ebidensya ang matinding social media at internet activity nito sangkot ang mga bayolenteng content.

Sinusuri na ng pulisya ang cellphone, gadget at iba pang personal na epekto bilang bahagi ng imbestigasyon.

Aniya, napansin na ng mga magulang ang senyales noon pang Abril at sinubukan itong ayusin.

“It starts [at] home.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here