Home NATIONWIDE Remulla sa pagiging state witnesses ng mga Discaya: “kung meron silang nakuhang...

Remulla sa pagiging state witnesses ng mga Discaya: “kung meron silang nakuhang pera, isauli nila”

274
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes na dapat ibalik ng mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya ang pera na sinasabing nakuha nila mula sa mga maanomalyang proyekto bago sila mailagay sa ilalim ng state witness program.

Sinabi ni Remulla na susundin ng Department of Justice ang mga itinatag na prinsipyo hinggil sa alok ng mag-asawa na maging state witness para mailantad ang umano’y sabwatan sa pagitan ng mga mambabatas, ahensya ng gobyerno, at mga tauhan sa maanomalyang project biddings.

“Ang first principle na gagamitin natin dito, kung meron silang nakuhang perang hindi dapat, isauli nila sa republika. Iyon naman ang first condition natin lagi. You don’t walk off laughing at our system because you enriched yourself and got away with the crime. Hindi. You give it back to the state where it rightfully belongs before you can even be considered for immunity. ‘Yon talaga ang Whistleblower Act eh. You have to work on those premises,” saad ni Remulla.

Dagdag pa ng Justice chief, na mayroong isang forensic accountant mula sa National Bureau of Investigation ang magiimbistiga para matukoy ang halagang nakuha umano ng mga Discaya.

“Kung magkakaroon sila ng opportunity to return, tama ba ‘yong figure o hindi? Dapat makita ang money trail. Maging cooperative sila dapat when it comes to this,” aniya.

Sinabi rin ni Remulla na nakipag-usap siya kay Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Rodante Marcoleta sa telepono noong Biyernes upang ihambing ang mga tala tungkol sa mga kontrobersiya at ipahayag ang pangako na magtulungan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here