Home ENTERTAINMENT Rendon, may ‘ilusyong’ mag-artista, naudlot!

Rendon, may ‘ilusyong’ mag-artista, naudlot!

Manila, Philippines- Are showbiz doors open to would-be actors like Rendon Labador?

Kung tutuusin, ilang tumbling lang ang agwat ng motivational speaker at social media influencer sa showbiz.

In fairness, Rendon has the build and the looks.

Pero kung siya ang tatanungin, hindi pambida ang tingin niya sa kanyang sarili.

Close to the public perception of him, Rendon imagines himself doing contravida roles.

True to form nga dahil marami-rami na rin ang mga inaway niya sa showbiz.

Frustratingly for him, hindi siya pinatulan ng mga ito.

Mas masakit nga naman ‘yon dahil ipinamumukha lang ng mga ito sa kanya na ang tulad niyang nonentity ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

But wait, did you know na muntik nang maabot ni Rendon ang kanyang “ilusyon” na maging isang artista?

No less than direk Joel Lamangan lang naman daw ang kumumbinsi sa kanya to take the showbiz plunge.

Excited, nag-conduct ng mala-survey si Rendon kung anong screen name daw ang babagay sa kanya.

Kaso, ‘di pa man ay nabantilawan na agad ang kanyang showbiz career.

Hindi raw niya kasi makontak sa Facebook ang multi-awarded film director dahil na-hack ito.

Hinayang na hinayang nga si Rendon: “Artista na sana ako!”

Sa ngayon, he’s living his real life role along fellow influencer Rosmar Tan as “persona non grata” in the whole of Palawan.

This came after Rendon berated a Coron municipal hall female staff.

Bagay ngang kontrabida! Ronnie Carrasco III