Home NATIONWIDE Rep. De Lima tutol sa remote participation ng mahohoyong senador

Rep. De Lima tutol sa remote participation ng mahohoyong senador

41
0

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng dating senador na si Leila de Lima ang panukalang magpapahintulot sa mga detinidong senador na makalahok sa mga sesyon ng Senado sa pamamagitan ng remote participation, at binigyang-diin na maaari itong magdulot ng hindi pantay na pagtrato at posibleng pabor sa mga mambabatas na may kinakaharap na mabibigat na kaso.

Si De Lima, na nakulong mula 2017 hanggang 2023 kaugnay ng kasong droga na kalaunan ay ibinasura, ay nagsabing hindi siya pinayagang makadalo sa mga sesyon ng Senado kahit pa noong panahon ng COVID-19 sa pamamagitan ng teleconferencing.

Ayon sa kanya, kinailangan pa niyang humingi ng court order para makalahok, ngunit hindi ito pinagbigyan ng korte.

“I was deprived of the use of anything, of a cellphone, other electronic gadgets like laptop, like tablets,” ani De Lima sa isang panayam sa telepono.

Dagdag niya, nagpatuloy siya sa kanyang tungkulin sa pamamagitan ng sulat-kamay habang siya ay nakakulong.

“When I reviewed drafts, draft resolutions, draft bills for my staff, handwritten lang ‘yung aking mga edits and aking mga corrections and even yung mga drafts ko mismo,” aniya.

Giit ni De Lima, ang pagbibigay ng remote participation ngayon ay maaaring magdulot ng hindi patas na sitwasyon at makaapekto sa mga sensitibong proseso tulad ng impeachment trials.

“The agenda there is to be able to allow the likes of Senator Bato (dela Rosa) to participate and also all others who might be deprived also of liberty because of involvement in certain cases,” aniya.

“Especially impeachment trial. On trial, the judge must be able to personally witness or see and hear and examine the evidence, not remote,” dagdag niya.

Patuloy ang diskusyon sa Senado hinggil sa panukalang amyendahan ang rules para payagan ang remote participation, ngunit nahaharap ito sa pagtutol ng minority senators na nagdulot ng pagkaputol ng sesyon at adjournment. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here