Home NATIONWIDE Rep. Duterte inimbitahan sa QuadComm hearing

Rep. Duterte inimbitahan sa QuadComm hearing

Inimbitahan ng House Quad Committee na dumalo sa susunud na pagdinig ng komite sa Setyembre 25 si Davao City Rep. Paolo Duterte.

Ang imbitasyon ng komite sa kapwa mambabatas na si Duterte ay inihayag ni Surigao del Norte at QuadComm Chairman Robert Ace Barbers.

Aniya, isang liham ang ipinaabot ni Duterte sa QuadComm na nagsasabing gusto nitong personal na tanungin ang resource person na si Jimmy Guban kaya naman nais na imbitahan ng komite ang solon.

Si Guban ay matatandaang nagsangkot sa pamilya Duterte sa illegal drug trade, maliban sa pamilya Duterte tinukoy din ng una sina Michael Yang, dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at si Atty Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte na sangkot din illegal na droga.

Partikular na isinasangkot ni Guban ang mga nabanggit sa nasabat na P6.8 Billion shabu shipment noong 2018.

Sinabi ni Barbers na bilang miyembro ng Kamara ay maaari naman na dumalo sa anumang committee hearing si Duterte.

“May we just ask the Committee Secretary to please make sure that the invitation will be extended to the Honorable Paolo Duterte in the next quad-comm hearing with the topic on drugs and extrajudicial killings,” pagtatapos pa ni Barbers. Gail Mendoza